Saturday, January 26, 2019

January 27, 2019 | 3rd Sunday after Epiphany and Third Sunday of the Ordinary Time



"Jesus returned to Galilee in the power of the Spirit, and news of him spread throughout the whole region. He taught in their synagogues and was praised by all (Luke 4:14-15)."
The feast of St. Angela Merici, which is ordinarily celebrated today, is superseded by the Sunday liturgy.

Sunday Readings
The first reading is taken from the Book of Nehemiah, 8:2-4a, 5-6, 8-10. Nehemiah and Ezra lived in the time when the people of Israel had been returned to their land after the years of the Babylonian Captivity and it was a time of rebuilding. The people had lost their connections to their faith.
The second reading is from the first Letter of St. Paul to the Corinthians, 12:12-30 and refers to the Mystical Body of Christ. St. Paul concludes his description of the different parts of the body by applying it to the Church, where variety of functions does not detract from unity.
The Gospel is from St. Luke 1:1-4; 4:14-21. In the first four verses of St. Luke's Gospel which have been read to you today, you will find reason to be grateful to him. He went to a lot of trouble in order to put in a permanent form, in a written record, the essential facts concerning Christ, his words and his works, so that we "would understand (like Theophilus) the certainty of the faith in which we have been instructed."
But while we must be grateful to St. Luke, we owe a bigger debt of gratitude still to the all-good, all-wise God who moved Luke and the other Evangelists to preserve for us in writing the essential truths of the Christian faith that has been handed down to us. The Apostles were companions of Christ. They witnessed his works and his words; they remembered most of his doings and his sayings, and what they might have forgotten the Holy Spirit recalled to their memory on that first Pentecost day in Jerusalem. The first two generations of Christians received the facts of the faith from these eye-witnesses and the miracles so frequent in the infant Church were confirmation of the truth of their teaching.
But God in his wisdom provided for the many generations to come who would not have this evident confirmation of their faith. He established a teaching body in his Church which would safeguard the purity of the Christian truths, for "he himself would be with it all days," and he gave us a written record of the facts of the faith in the Gospels and the ether writings of the New Testament.
How can we ever thank God sufficiently for his thoughtfulness in our regard? We Christians of today can be as certain, as assured, of the truth of the faith that we are trying to practice as was St. Luke who was converted by St. Paul. We have a living, teaching Magisterium in the Church, which authentically preserves and interprets for us the true facts of Christ's teaching and works as written down for us by a first-generation Christian under the impulse and guidance of God's Holy Spirit. If we needed further proof of the priceless value of our New Testament Books, the virulent attacks on their authenticity, on their objectivity, and on their veracity, by enemies of the faith down to and including our own day, should be sufficient.
But they have stood the test of time and the onslaughts of biased, prejudiced criticism, for they are the word of truth, which is eternal, and comes from God.
We have a priceless gift of God in the inspired Books of the Bible. Let us show true appreciation for that gift by using it to build up a better knowledge of the Christian faith which it teaches us. There should be a Bible, or at least the New Testament, in every Christian home. It should not be an ornament on a shelf, but a fountain and source from which we can draw strength and refreshment in the daily practice of our Christian faith. Almost two thousand years ago, God's infinite goodness provided this source of strength, the "fountain of living water," for us Christians of this century. Are we grateful for his thoughtfulness? Are we nourishing our faith at this blessed fountain of his infinite wisdom and love?
Excerpted from The Sunday Readings by Fr. Kevin O'Sullivan, O.F.M.

 ✠✠✠
MASS OF THE EXTRAORDINARY FORM OF THE ROMAN RITE
Third Sunday after Epiphany

 Introitus 
Ps 96:7-8
Adoráte Deum, omnes Angeli eius: audívit, et lætáta est Sion: et exsultavérunt fíliæ Iudæ.
Ps 96:1
Dóminus regnávit, exsúltet terra: læténtur ínsulæ multæ.
V. Glória Patri, et Fílio, et Spirítui Sancto.
R. Sicut erat in princípio, et nunc, et semper, et in saecula saeculórum. Amen
Adoráte Deum, omnes Angeli eius: audívit, et lætáta est Sion: et exsultavérunt fíliæ Iudæ.

Dicitur Gloria 
Introitus 
Ps 96:7-8
Adore God, all you His angels: Sion hears and is glad, and the cities of Juda rejoice.
Ps 96:1
The Lord is King; let the earth rejoice; let the many isles be glad.
V. Glory be to the Father, and to the Son, and to the Holy Ghost.
R. As it was in the beginning, is now, and ever shall be, world without end. Amen.
Adore God, all you His angels: Sion hears and is glad, and the cities of Juda rejoice.

Gloria is said 

Oratio 
Orémus.
Omnípotens sempitérne Deus, infirmitatem nostram propítius réspice: atque, ad protegéndum nos, déxteram tuæ maiestátis exténde.
Per Dominum nostrum Iesum Christum, Filium tuum: qui tecum vivit et regnat in unitate Spiritus Sancti Deus, per omnia saecula saeculorum. 
R. Amen.

Collect 
Let us pray.
Almighty and everlasting God, look with favor upon our weakness, and stretch forth the right hand of Your majesty to help and defend us.
Through Jesus Christ, thy Son our Lord, Who liveth and reigneth with thee, in the unity of the Holy Ghost, ever one God, world without end.
R. Amen. 
 Lectio 
Léctio Epístolæ beáti Pauli Apóstoli ad Romános.
Rom 12:16-21
Fratres: Nolíte esse prudéntes apud vosmetípsos: nulli malum pro malo reddéntes: providéntes bona non tantum coram Deo, sed étiam coram ómnibus homínibus. Si fíeri potest, quod ex vobis est, cum ómnibus homínibus pacem habéntes: Non vosmetípsos defendéntes, caríssimi, sed date locum iræ. Scriptum est enim: Mihi vindícta: ego retríbuam, dicit Dóminus. Sed si esuríerit inimícus tuus, ciba illum: si sitit, potum da illi: hoc enim fáciens, carbónes ignis cóngeres super caput eius. Noli vinci a malo, sed vince in bono malum.
R. Deo gratias.

Lesson 
Lesson from the letter of St. Paul the Apostle to the Romans
Rom 12:16-21
Brethren: Be not wise in your own conceits. To no man render evil for evil, but provide good things not only in the sight of God, but also in the sight of all men. If it be possible, as far as in you lies, be at peace with all men. Do not avenge yourselves, beloved, but give place to the wrath, for it is written, Vengeance is Mine: I will repay, says the Lord. But, If your enemy is hungry, give him food; if he is thirsty, give him drink; for by so doing you will heap coals of fire upon his head. Be not overcome by evil, but overcome evil with good.
R. Thanks be to God.

Graduale 
Ps 101:16-17
Timébunt gentes nomen tuum, Dómine, et omnes reges terræ glóriam tuam.
V. Quóniam ædificávit Dóminus Sion, et vidébitur in maiestáte sua. Allelúia, allelúia.
Ps 96:1
Dóminus regnávit, exsúltet terra: læténtur ínsulæ multæ. Allelúia.

Gradual 
Ps 101:16-17
The nations shall revere Your name, O Lord, and all the kings of the earth Your glory.
V. For the Lord has rebuilt Sion, and He shall appear in His glory. Alleluia, alleluia.
Ps 96:1 
The Lord is King; let the earth rejoice; let the many isles be glad. Alleluia.

Evangelium 
Sequéntia ✠︎ sancti Evangélii secúndum Matthǽum.
R. Gloria tibi, Domine!
Matt 8:1-13
In illo témpore: Cum descendísset Iesus de monte, secútæ sunt eum turbæ multæ: et ecce, leprósus véniens adorábat eum, dicens: Dómine, si vis, potes me mundáre. Et exténdens Iesus manum, tétigit eum, dicens: Volo. Mundáre. Et conféstim mundáta est lepra eius. Et ait illi Iesus: Vide, némini díxeris: sed vade, osténde te sacerdóti, et offer munus, quod præcépit Móyses, in testimónium illis. Cum autem introísset Caphárnaum, accéssit ad eum centúrio, rogans eum et dicens: Dómine, puer meus iacet in domo paralýticus, et male torquetur. Et ait illi Iesus: Ego véniam, et curábo eum. Et respóndens centúrio, ait: Dómine, non sum dignus, ut intres sub tectum meum: sed tantum dic verbo, et sanábitur puer meus. Nam et ego homo sum sub potestáte constitútus, habens sub me mílites, et dico huic: Vade, et vadit; et alii: Veni, et venit; et servo meo: Fac hoc, et facit. Audiens autem Iesus, mirátus est, et sequéntibus se dixit: Amen, dico vobis, non inveni tantam fidem in Israël. Dico autem vobis, quod multi ab Oriénte et Occidénte vénient, et recúmbent cum Abraham et Isaac et Iacob in regno cœlórum: fílii autem regni eiiciéntur in ténebras exterióres: ibi erit fletus et stridor déntium. Et dixit Iesus centurióni: Vade et, sicut credidísti, fiat tibi. Et sanátus est puer in illa hora. 
R. Laus tibi, Christe!

Dicutur Credo
Gospel 
Continuation ✠︎of the Holy Gospel according to Matthew
R. Glory be to Thee, O Lord.
Matt 8:1-13
At that time, when Jesus had come down from the mountain, great crowds followed Him. And behold, a leper came up and worshipped Him, saying, Lord, if You will, You can make me clean. And stretching forth His hand Jesus touched him, saying, I will; be made clean. And immediately his leprosy was cleansed. And Jesus said to him, See that you tell no one; but go, show yourself to the priest, and offer the gift that Moses commanded, for a witness to them. Now when He had entered Capharnaum, there came to Him a centurion who entreated Him, saying, Lord, my servant is lying sick in the house, paralyzed, and is grievously afflicted. Jesus said to him, I will come and cure him. But in answer the centurion said, Lord, I am not worthy that You should come under my roof; but only say the word, and my servant will be healed. For I too am a man subject to authority, and have soldiers subject to me; and I say to one, ‘Go,’ and he goes; and to another, ‘Come,’ and he comes; and to my servant, ‘Do this,’ and he does it. And when Jesus heard this, He marveled, and said to those who were following Him, Amen I say to you, I have not found such great faith in Israel. And I tell you that many will come from the east and from the west and will feast with Abraham and Isaac and Jacob in the kingdom of heaven, but the children of the kingdom will be put forth into the darkness outside; there will be the weeping, and the gnashing of teeth. Then Jesus said to the centurion, Go your way; as you have believed, so be it done to you. And the servant was healed in that hour.
R. Praise be to Thee, O Christ.

Credo is said

Offertorium 
Ps 117:16; 117:17
Déxtera Dómini fecit virtutem, déxtera Dómini exaltávit me: non móriar, sed vivam, et narrábo ópera Dómini.

Offerrtory
Ps 117:16-17
The right hand of the Lord has struck with power: the right hand of the Lord has exalted me; I shall not die, but live, and declare the -works of the Lord.

 Secreta 
Hæc hóstia, Dómine, quǽsumus, emúndet nostra delícta: et, ad sacrifícium celebrándum, subditórum tibi córpora mentésque sanctíficet.
Per Dominum nostrum Iesum Christum, Filium tuum: qui tecum vivit et regnat in unitate Spiritus Sancti Deus, per omnia saecula saeculorum. 
R. Amen.

Secret
May this offering, O Lord, we beseech You, wipe away our transgressions, and make holy the minds and bodies of Your servants for celebrating this sacrifice.
Through Jesus Christ, thy Son our Lord, Who liveth and reigneth with thee, in the unity of the Holy Ghost, ever one God, world without end.
R. Amen.

 Prefatio 
V. Dóminus vobíscum.
R. Et cum spíritu tuo.
V. Sursum corda.
R. Habémus ad Dóminum.
V. Grátias agámus Dómino, Deo nostro.
R. Dignum et iustum est.

de sanctissima Trinitate
Vere dignum et iustum est, æquum et salutáre, nos tibi semper et ubíque grátias ágere: Dómine sancte, Pater omnípotens, ætérne Deus: Qui cum unigénito Fílio tuo et Spíritu Sancto unus es Deus, unus es Dóminus: non in unius singularitáte persónæ, sed in uníus Trinitáte substántiæ. Quod enim de tua glória, revelánte te, crédimus, hoc de Fílio tuo, hoc de Spíritu Sancto sine differéntia discretiónis sentímus. Ut in confessióne veræ sempiternǽque Deitátis, et in persónis propríetas, et in esséntia únitas, et in maiestáte adorétur æquálitas. Quam laudant Angeli atque Archángeli, Chérubim quoque ac Séraphim: qui non cessant clamáre cotídie, una voce dicéntes:

Sanctus, Sanctus, Sanctus Dóminus, Deus Sábaoth. Pleni sunt coeli et terra glória tua. Hosánna in excélsis. Benedíctus, qui venit in nómine Dómini. Hosánna in excélsis.

 Preface 
P. The Lord be with you. 
S. And with thy spirit. 
P. Lift up your hearts. 
S. We have lifted them up to the Lord. 
P. Let us give thanks to the Lord our God. 
S. It is meet and just. 

Holy Trinity
It is truly meet and just, right and for our salvation, that we should at all times, and in all places, give thanks unto Thee, O holy Lord, Father almighty, everlasting God; Who, together with Thine only-begotten Son, and the Holy Ghost, art one God, one Lord: not in the oneness of a single Person, but in the Trinity of one substance. For what we believe by Thy revelation of Thy glory, the same do we believe of Thy Son, the same of the Holy Ghost, without difference or separation. So that in confessing the true and everlasting Godhead, distinction in persons, unity in essence, and equality in majesty may be adored. Which the Angels and Archangels, the Cherubim also and Seraphim do praise: who cease not daily to cry out, with one voice saying:

Holy, Holy, Holy, Lord God of Hosts! Heaven and earth are full of Thy glory! Hosanna in the highest! Blessed is He that cometh in the Name of the Lord! Hosanna in the highest!

Communio 
Luc 4:22
Mirabántur omnes de his, quæ procedébant de ore Dei.

Communion
Luke 4:22
All marvelled at the words that came from the mouth of God.

 Postcommunio 
Orémus.
Quos tantis, Dómine, largíris uti mystériis: quǽsumus; ut efféctibus nos eórum veráciter aptáre dignéris.
Per Dominum nostrum Iesum Christum, Filium tuum: qui tecum vivit et regnat in unitate Spiritus Sancti Deus, per omnia saecula saeculorum. 
R. Amen.

Postcommunio 
Let us pray.
O Lord, as You grant us to use this great sacrament, deign, we beseech You, to make us truly worthy of its fruits.
Through Jesus Christ, thy Son our Lord, Who liveth and reigneth with thee, in the unity of the Holy Ghost, ever one God, world without end.
R. Amen. 

Commentary for the Readings in the Extraordinary Form:
Third Sunday after Epiphany

"Only say the word, and my servant will be healed" (Gospel).
By a twofold display of His mercy Jesus first confirmed His Divinity before the Jewish priests when He cleansed the despised leper (picture in background), then before the Gentiles by curing the centurion's paralyzed servant. We, too, publicly profess faith in His Divinity by our mercy in taking "the words of grace" to leprous, paralyzed sinners (Communion Verse).
What kind of mercy? St. Paul outlines certain practices in the Epistle: refrain from rendering "evil for evil;" "provide good things" to "all men;" peace to our enemy, leaving "vengeance" to God Who know how to "repay."
— Excerpted from My Sunday Missal, Confraternity of the Precious Blood

✠✠✠
IKATLONG LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

Pambungad: Salmo 96, 1, 6
Panginoo'y papurihan,
bagong awit siya'y awitan.
Umawit ka, sanlibutan,
sa dangal niya't kabanalan, 
at ganda sa dalanginan.

Aawitin o Ipapahayag ang Papuri sa Diyos

Panalanging Pambungad:
Ama naming Makapangyarihan,
itaguyod ang aming ginagampanan
alinsunod sa iyong kalooban
upang sa ngalan ng Anak mong mahal
kami'y maging marapat magkaroon ng karagdagan
sa aming paggawa ng mga kabutihan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA
Nehemias 8, 2-4a. 5-6. 8-10

Pagbasa mula sa aklat ni Nehemias

Noong mga araw na iyon, kinuha ni Ezra na saserdote ang aklat ng Kautusan. Dinala niya ito sa kapulungang binubuo ng mga lalaki, babae at mga batang may sapat nang gulang at pang-unawa. Mula sa umaga hanggang tanghalo, binasa niya ang Kautusan sa harapan ng mga taong natitipon sa liwasang bayan. Ang lahat naman ay nakinig na mabuti.

Si Ezra’y nakatayo sa isang entabladong kahoy na sadyang itinayo sa pagkakataong iyon. Siya ay nakikita ng lahat, sapagkat mataas ang kanyang kinatatayuan. Ang lahat ay tumayo nang buksan niya ang aklat. “Purihin ang Panginoon, ang dakilang Diyos!” ang wika niya.

Ang lahat ay nagtaas ng kanilang mga kamay at sumagot, “Amen, Amen.” Pagkatapos, nagpatirapa sila bilang paggalang sa Panginoon. Binasa ng mga Levita nang maliwanag ang batas na ito ng Diyos at ipinaliwanag na mabuti ang kahulugan.

Nang malaman ng mga tao ang mga dapat nilang gawin ayon sa Kautusan, nabagbag ang kanilang kalooban, anupat sila’y napaiyak. “Ang araw na ito ay dakila sa Panginoon na inyong Diyos,” wika nina Nehemias, at Ezra at mga Levita. Nakikinig ang mga tao at umiiyak nga kaya’t sinabi nila, “Huwag kayong umiyak.” Wika pa nila, “Umuwi na kayo at magdiwang! Ang walang pagkain at inumin ay bahaginan ng mayroon, sapagkat ang araw na ito’y dakila sa Panginoon. Ang kagalakang dulot niya ay magiging kalakasan ninyo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 8. 9. 10. 15

Tugon: Espiritung bumubuhay, ang salita ng Maykapal.

Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang,
ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay;
yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan,
nagbibigay ng talino sa pahat ang kaisipan.

Tugon: Espiritung bumubuhay, ang salita ng Maykapal.

Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos,
liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod;
ito’y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos,
pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot.

Tugon: Espiritung bumubuhay, ang salita ng Maykapal.

Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti,
isang banal na tungkulin na iiral na parati;
pati mga hatol niya’y matuwid na kahatulan,
kapag siya ang humatol, ang pasiya ay pantay-pantay.

Tugon: Espiritung bumubuhay, ang salita ng Maykapal.

Nawa’y itong salita ko at ang aking kaisipan,
sa iyo ay makalugod, Panginoon ko’t kanlungan,
O ikaw na kublihan kong ang dulot ay kaligtasan!

Tugon: Espiritung bumubuhay, ang salita ng Maykapal.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 12, 12-30

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:
Si Kristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat binubuo ng iba’t ibang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng isang bahagi lamang. Kung sabihin ng paa, “Hindi ako kamay kaya’t hindi ako bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? Kung sabihin ng tainga, “Hindi ako mata, kaya’t hindi ako bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? Kung panay mata lamang ang buong katawan, paano ito makaririnig? Kung panay tainga lamang ang buong katawan, paano ito makaaamoy? Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa minabuti niya. Hindi maituturing na katawan, kung ito’y iisang bahagi lamang! Ngunit ang totoo’y marami ang mga bahagi, ngunit iisang katawan lamang.

Kaya’t hindi masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.” Sa katunayan, ang mga bahaging wari’y mahihina ang siya pang kailangang-kailangan. Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pag-aalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ay siya nating pinapaganda; hindi na ito kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Nang isaayos ng Diyos ang ating katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bahaging di gaanong marangal, upang hindi magkaroon ng inggitan; at sa halip, ang lahat ay magmalasakitan. Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinararangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.

Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Kristo at bawat isa’y bahagi nito. Naglagay ang Diyos sa Simbahan, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gagawa ng mga kababalaghan, mga magpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga magsasalita sa iba’t ibang wika. Hindi lahat ay apostol, propeta, o guro; hindi lahat ay binigyan ng kakayahang gumawa ng mga kababalaghan, magpagaling ng mga maysakit, magsalita sa iba’t ibang wika o magpaliwanag nito.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA
Lucas 1, 1-4; 4, 14-21

+Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Kagalang-galang na Teofilo:
Marami na po ang nagsikap na, sumulat tungkol sa mga bagay na naganap sa gitna namin. Ang kanilang sinulat ay ayon sa sinabi sa amin ng mga nakasaksi nito buhat sa pasimula at nangaral ng Salita. Matapos na ako’y makapagsuri nang buong ingat tungkol sa lahat ng bagay na ito buhat pa sa pasimula, minabuti ko pong sumulat ng isang maayos na salaysay para sa inyo upang lubusan ninyong matiyak ang katotohanan ng mga bagay na itinuro sa inyo.

Noong panahong iyon, bumalik si Hesus sa Galilea, at sumasakanya ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kumalat sa palibot na lupain ang balita tungkol sa kanya. Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga; at dinakila siya ng lahat.

Umuwi si Hesus sa Nazaret na kanyang nilakhan. Gaya ng kanyang kinagawian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumindig siya upang bumasa; at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ang aklat sa dakong kinasusulatan ng ganito:

“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,
sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.
Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya,
at sa mga bulag na sila’y makakikita;
upang bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil,
at ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.”

Nilulon niya ang kasulatan, at matapos isauli sa tagapaglingkod, siya’y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga. At sinabi niya sa kanila: “Natupad ngayon ang bahaging ito ng Kasulatan samantalang nakikinig kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Ipapahayag ang Sumasampalataya

Panalangin ukol sa mga Alay
Ama naming Lumikha
tanggapin mong malugod ang aming mga handog.
Ngayong ang kabanalan ay iyong dulot ,
kami'y sumasamo sa iyo't lumuluhog
upang kaligtasa'y iyong ipagkaloob
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Makakapili ng isa sa pitong Pagbubunyi o Prepasyo sa mga linggo ng Karaniwang Panahon

Unang Pagbubunyi o Prepasyo sa Karaniwang Panahon
Ang misteryo ng Pasko ng Pagkabuhay at ng Bayan ng Diyos

Pari: Sumainyo ang Panginoon
Bayan: At sumainyo rin
P: Itaas sa Diyos ang inyong Puso at diwa
B: Itinaas na namin sa Panginoon
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos
B: Marapat na siya’y pasalamatan

Ama naming Makapangyarihan,
Tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Sa dakilang pagtubos niya sa amin
ang kasalana't kamatayang aming pasanin
ay binalikat niya upang kami'y palayain
at maitampok sa iyong luningning.
Siya ang nagtanghal sa amin bilang liping hinirang,
pari at haring lingkod sa iyong kamahalan.
Mula sa kadiliman, kami'y iyong tinawag 
upang makasapit sa iyong liwanag
bilang iyong angkang may tungkuling maglahad
ng iyong dakilang pag-ibig sa lahat.

Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

Ikalawang Pagbubunyi o Prepasyo sa Karaniwang Panahon
Ang Misteryo ng Kaligtasan

Pari: Sumainyo ang Panginoon
Bayan: At sumainyo rin
P: Itaas sa Diyos ang inyong Puso at diwa
B: Itinaas na namin sa Panginoon
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos
B: Marapat na siya’y pasalamatan

Ama naming Makapangyarihan,
Tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Lubhang nabagbag ang kanyang loob
sa pagkakamali ng sansinukob,
kaya't minabuti niyang siya'y ipanganak
ng Birheng bukod mong pinagpala sa babaing lahat.
Sa labi ng imbing kamatayan
kami ay inagaw ng namatay mong Anak.
Sa pagkabuhay niya, kami'y kanyang binuhay
upang kaugnayan namin sa iyo'y huwag magwakas.

Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

Ikatlong Pagbubunyi o Prepasyo sa Karaniwang Panahon
Ang kaligtasan ng tao ay nangyari sa pamamagitan ng isang tao.

Pari: Sumainyo ang Panginoon
Bayan: At sumainyo rin
P: Itaas sa Diyos ang inyong Puso at diwa
B: Itinaas na namin sa Panginoon
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos
B: Marapat na siya’y pasalamatan

Ama naming Makapangyarihan,
Tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan

Sa iyong kagandahang loob kami'y iyong ibinukod
upang iyong maitampok sa kadakilaan mong lubos.
Kahit na ikaw ay aming tinalikdan
dahil sa aming pagkasalawahan,
gumawa ka pa rin ng paraang
may manguna sa amin para ikaw ay balikan.
Kaya't ang iyong minamahal na Anak
ay naging isa sa mga taong hamak
upang may kapwa kaming makapagligtas
sa aming pagkapahamak at pagkaligaw ng landas.

Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

Ikaapat na Pagbubunyi o Prepasyo sa Karaniwang Panahon
Ang kasaysayan ng kaligtasan

Pari: Sumainyo ang Panginoon
Bayan: At sumainyo rin
P: Itaas sa Diyos ang inyong Puso at diwa
B: Itinaas na namin sa Panginoon
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos
B: Marapat na siya’y pasalamatan

Ama naming Makapangyarihan,
Tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Siya ay naging kapwa naming maasahan
upang may mangunang umako sa pananagutan
dahil hangad mong magbago ang kinamihasnang
pagkakanya-kanya ng sangkatauhan.
Bunga ng pagtitiis, siya ay nanaig
at ang kamatayan ay kanyang nalupig
kaya't siya ang aming Daan para aming masapit
ang iyong tapat at maasahang pag-ibig.

Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

Ikalimang Pagbubunyi o Prepasyo sa Karaniwang Panahon
Ang Paglikha

Pari: Sumainyo ang Panginoon
Bayan: At sumainyo rin
P: Itaas sa Diyos ang inyong Puso at diwa
B: Itinaas na namin sa Panginoon
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos
B: Marapat na siya’y pasalamatan

Ama naming Makapangyarihan,
Tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan

Ikaw ang lumikha sa tanan,
Ikaw ang nagtakdang magkaroon ng gabi at araw,
gayun din ng tag-init at tag-ulan.
Ikaw ang humubog sa tao bilang iyong kawangis
na mapagkakatiwalaang mangasiwa sa daigdig.
Ikaw ngayo'y pinaglilingkuran
sa pagganap sa pananagutan
ng iyong pinagtitiwalaan
sa pamamagitan ng Anak mong mahal.

Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

Ikaanim na Pagbubunyi o Prepasyo sa Karaniwang Panahon
Ang katiyakan ng Pagkabuhay kailan man

Pari: Sumainyo ang Panginoon
Bayan: At sumainyo rin
P: Itaas sa Diyos ang inyong Puso at diwa
B: Itinaas na namin sa Panginoon
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos
B: Marapat na siya’y pasalamatan

Ama naming Makapangyarihan,
Tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan

Nasa iyo ang aming buhay,
pagkilos at pag-iral.
Sa pamumuhay namin araw-araw
tinatamasa namin ang iyong pagmamahal.
Sa pag-ibig mong ipinunla sa sangkatauhan
ang Espiritu Santo'y unang aning bigay
ng Anak mong naglagak sa amin ng katiyakang
nakalaang mabuhay kami sa piling mo kailan man.

Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

Ikapitong Pagbubunyi o Prepasyo sa Karaniwang Panahon
Kaligtasang bunga ng pagtalima ni Hesukristo

Pari: Sumainyo ang Panginoon
Bayan: At sumainyo rin
P: Itaas sa Diyos ang inyong Puso at diwa
B: Itinaas na namin sa Panginoon
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos
B: Marapat na siya’y pasalamatan

Ama naming Makapangyarihan,
Tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan

Kahit na ikaw ay pinagtaksilan ng sangkatauhan,
ikaw ay patuloy pa rin sa iyong pagmamahal.
Ikaw na ang nagpuno sa aming pagkukulang;
ikaw pa rin ang nagsugo ng tutubos sa tanan.
Ang sugo mong Anak ay naging di na iba sa amin
bagama't di niya tinularan ang aming pagkamasuwayin.
Niloob mo ito upang iyong mamalas
sa aming pagkatao ang giliw mong Anak
at kami'y tunghayan mong may pag-ibig na tulad
ng pagtatangi mo sa kanya nang higit sa lahat.
Ang katapatan niya sa iyong walang maliw
ay nagpanumbalik na muli sa amin
ng iyong kasiyaha't ng iyong pagtingin
na aming iwinaksi noong ikaw ay aming suwayin.

Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!

Pakikinabang: Salmo 34, 5
Sa Panginoo'y dumulog
nang maliwanagang lubos 
at nang kanyang maitampok
ang mukha natin at loob 
sa dulot niyang pagkupkop

o kaya: Juan 8, 12
Ang sabi ng Poong mahal,
"Sa daigdig, ako'y ilaw.
Kapag ako ay sinundan,
ang dilim ay mapaparam
at sa aki'y mabubuhay"

Panalangin Pagpakinabang:
Ama naming Mapagmahal,
ipagkaloob mong sa aming pakikinabang
sa iyong kagandahang-loob na bumubuhay
lagi nawa aming maikarangal
ang iyong pagpapalang sa ami'y ibinibigay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
===
Like us on Facebook: Suscipe Deprecationem Nostram

+ AMDG+

No comments:

Post a Comment