Thursday, April 11, 2019

April 14, 2019 | PALM SUNDAY OF THE LORD'S PASSION

So they took branches of palm trees and went out to meet him, crying, "Hosanna! Blessed is he who comes in the name of the Lord, even the King of Israel!" And Jesus found a young ass and sat upon it; as it is written, "Fear not, daughter of Zion; behold, your king is coming, sitting on an ass's colt (Jn 12:13-15)!"
Today we commemorate Christ's entry into Jerusalem for the completion of the Paschal Mystery. In Liturgical Calendar preceding Vatican II, the Church celebrated Passion Sunday two Sundays before Easter, and then Palm Sunday was the beginning of Holy Week. The Church has combined the two to reinforce the solemnity of Holy Week.
The Palm Sunday procession is formed of Christians who, in the "fullness of faith," make their own the gesture of the Jews and endow it with its full significance. Following the Jews' example we proclaim Christ as a Victor... Hosanna to the Son of David! Blessed is He who comes in the Name of the Lord. But by our faith we know, as they did not, all that His triumph stands for. He is the Messiah, the Son of David and the Son of God. He is the sign of contradiction, acclaimed by some and reviled by others. Sent into this world to wrest us from sin and the power of Satan, He underwent His Passion, the punishment for our sins, but issues forth triumphant from the tomb, the victor over death, making our peace with God and taking us with Him into the kingdom of His Father in heaven.

Liturgy for Palm Sunday
The priests and deacons wear red vestments for Mass. There is a special entrance at the beginning of each Mass, either simple or solemn. This includes a blessing of the palms and the gospel reading of the entrance into Jerusalem (Matt 21:1-11; Mark 11:1-10; John 12:12-16; Luke 19:28-40). The introduction by the priest explains the solemnity of Holy Week, and invites the faithful to take full part in the celebration:

Dear friends in Christ, for five weeks of Lent we have been preparing, by works of charity and self-sacrifice, for the celebration of our Lord's paschal mystery. Today we come together to begin this solemn celebration in union with the whole Church throughout the world. Christ entered in triumph into his own city, to complete his work as our Messiah: to suffer, to die, and to rise again. Let us remember with devotion this entry which began his saving work and follow him with a lively faith. United with him in his suffering on the cross, may we share his resurrection and new life.
The palms are blessed with the following prayer:
Almighty God, we pray you bless these branches and make them holy. Today we joyfully acclaim Jesus our Messiah and King. May we reach one day the happiness of the new and everlasting Jerusalem by faithfully following him who lives and reigns for ever and ever. Amen.
As the faithful, we remember and dramatize Christ's triumphal entrance into Jerusalem on a donkey. In Jesus' time, a huge crowd assembled, put their cloaks or branches on the ground, and waved palm branches, acclaiming Christ as the King of Israel, the Son of David. We now wave our palm branches and sing as the priest enters the church:
Hosanna to the Son of David, the King of Israel.
Blessed is he who comes in the name of the Lord.
Hosanna in the highest.
These words of praise are echoed every day at the Holy Sacrifice of the Mass at the Sanctus (Holy, Holy).
Our joy is quickly subdued. We are jolted to reality and see the purpose of Christ coming to Jerusalem by the reading of the Passion at the Gospel. (Written by Jennifer Gregory Miller)
Things to Do:
-----
Palm Sunday of the Lord's Passion, Station with San Giovanni in Laterano (St. John Lateran):
The Station at Rome is in the church of St. John Lateran which represents the Holy City Jerusalem which Christ and we, His disciples, have just entered. It is the first cathedral of Rome, where Emperor Constantine allowed the Pope to set up the episcopal chair after 312.
This is the head of your page. Example HTML page This is the body of your page.


Biyernes na Debosyon sa Nuestro Padre Jesus Nazareno ng Quiapo, Maynila


Palagiang Nobena tuwing Biyernes sa Nuestro Padre Jesus Nazareno ng Quiapo, Maynila

*PAMBUNGAD NA AWIT*

Krus ng ating kaligtasan
Dapat nating ikarangal
Sagisag ng kalayaan
At ng Muling Pagkabuhay
Ni Hesus na Poong mahal (2x)

*PAMBUNGAD NA PANALANGIN*

V. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
R. Amen

V. Mga kapatid, lumuhod tayo sa harap ng larawan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno. Sambahin natin Siya na nakaluklok sa kanan ng Amang nabubuhay magpakailanman.

*PAGBASA*

V. Mga kapatid, pakinggan po ninyo ang sinasabi ng ating Panginoon.

(Makapipili ng alin man sa Tatlo na Pagbasa)

(I) 
(Binabasa tuwing Una, Ikaapat, at Ikapitong Araw ng Pagsisiyam, at Una, Ikaapat at Ikalimang Biyernes ng Buwan)

Ang pagtitiis ng hirap
ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos,
sapagkat nang si Kristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman
Nang siya’y insultuhin, hindi siya gumanti.
Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta.
sa halip, ipinaubaya niya ang lahat
sa Diyos na makatarungan kung humatol.
Sa kanyang pagkamatay sa krus,
pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan
upang tayo’y mamatay na sa kasalanan
at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.
Kayo’y pinagaling na
sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.
Sapagkat kayo ay tulad ng mga tupang naliligaw,
ngunit ngayon kayo’y nanumbalik na upang sumunod sa Pastol
at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa. (I Pedro 2:21-25)

(II)
(Binabasa tuwing Ikalawa, Ikalima, at Ikawalong Araw ng Pagsisiyam, at Ikalawang Biyernes ng Buwan)   

“Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin
ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili,
pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.
Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito;
ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito.
Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig,
ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili?
Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay?
Sapagkat darating ang Anak ng Tao na kasama ang kanyang mga anghel,
at taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama.
Sa panahong iyo’y
gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa ginawa nito. ” (Mateo 16:24-27)

(III)
(Binabasa tuwing Ikatlo, Ikaanim, at Ikasiyam na Araw ng Pagsisiyam, at Ikatlong  Biyernes ng Buwan) 

Totoo ang kasabihang ito:
“Kung tayo’y namatay na kasama ni Hesukristo, mabubuhay din tayong kasama niya.
Kung tayo’y nagtitiis ng hirap sa mundong ito, maghahari din tayong kapiling niya.
Kapag siya’y ating ikinahiya, ikakahiya rin niya tayo.
Kung tayo man ay hindi tapat, siya’y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.” (2 Timoteo 1:11-13)

*RESPONSORIO*

R. Hesus Nazareno, aming Panginoon at Diyos!
Karapat-dapat kang tumanggap
ng papuri at pasasalamat, parangal at paggalang,
kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman! Amen.

V. Ikaw ang tanging Anak ng Diyos!
Naging anak ka rin ni Mariang Birheng kalinis-linisan.
Bigay ka ni Maria sa amin
bilang Tagapagligtas at kapatid.
Bigay mo si Maria sa amin bilang Ina namin at pag-asa.
Pinuno mo siya ng grasya.
Punuin mo rin kami ng grasya ng Espiritu Santo:
pag-ibig, kagalakan, kapayapaan,
pagtitiyaga, kagandahang-loob,
kabutihan, katapatan, kaamuan,
at pagpipigil sa sarili. Amen.

R. Hesus Nazareno, aming Panginoon at Diyos!
Karapat-dapat kang tumanggap
ng papuri at pasasalamat, parangal at paggalang,
kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman! Amen.

V. Inilalarawan mo sa amin
ang mukha ng Diyos na di nakikita;
ang Diyos na puspos ng pag-ibig at lipos ng habag.
Katulad mo kami sa lahat ng bagay, liban sa kasalanan.
Sa Binyag kami ay ginawa mong
mga anak ng Diyos na banal.
Sa aming pamumuhay araw-araw maipakita nawa namin
ang nakalulugod sa Ama namin. Amen.

R. Hesus Nazareno, aming Panginoon at Diyos!
Karapat-dapat kang tumanggap
ng papuri at pasasalamat, parangal at paggalang,
kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman! Amen.

Lubos mong naunawaan at nadama
kung gaano kasama ang kasalanan
ng bawat tao sa nakaraan, sa kasalukuyan
at hanggang sa katapusan ng panahon.
Sinunod mo ang kalooban ng Ama
na iyong tiisin ang maraming hirap at kamatayan sa krus
para tubusin ang mga tao
mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa
at gawin silang mga saserdote para maglingkod sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.
Kami nawa’y makasama mo
sa iyong patuloy na pagtitiis ng kahirapan
para sa kaligtasan ng sanlibutan. Amen.

R. Hesus Nazareno, aming Panginoon at Diyos!
Karapat-dapat kang tumanggap
ng papuri at pasasalamat, parangal at paggalang,
kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman! Amen.

Sapagkat ikaw ay mabuti.
Ang pag-ibig mo’y napakatatag at mananatili,
hindi kukupas, walang katapusan, hindi magwawakas. Amen.

*MGA PANALANGIN AT KAHILINGAN SA BAWAT BIYERNES NG BUWAN*

(Dinarasal ng Paawit)

UNANG BIYERNES NG BUWAN 
(Dinarasal din tuwing Una, Ikalima at Ikasiyam na Araw ng Pagsisiyam)

V. Hesus Nazareno, sa mga Katolikong malayo sa simbahan,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga madalang manalangin,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga hinahatulang mamatay,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga labis na pinahihirapan,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga di-marunong magtiis,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga sobra na ang paghihirap,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga mag-asawa sa hirap at dusa,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga ina ng mga suwail,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga yumayaong nag-iisa,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga ayaw manalig sa iyo,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga may anak na magpapari,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga namamanata sa Diyos,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga nagbabaón ng kasalanan,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga bagong lingkod ng Diyos,
R. maawa ka, Panginoon.

IKALAWANG BIYERNES NG BUWAN  
(Dinarasal din tuwing Ikalawa, at Ikaanim  na Araw ng Pagsisiyam)  

V. Hesus Nazareno, sa mga bayang walang Misa,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga may mabigat na problema,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga di-kayang magtrabaho,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga katulong na dustang-dusta,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga hirap sa paghahanap-buhay,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga di nakararanas ng pahinga,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga nag-aalaga ng matatanda,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga mag-inang taga-kalye,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga maysakit na nagtatrabaho,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga nagsasamang di pa kasal,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga nag-aampon ng anak ng iba,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga namatay sa tabi ng kanilang ina,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga naglilibing ng kaibigan,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga nagsisikap magbagong-buhay,
R. maawa ka, Panginoon.

IKATLONG BIYERNES NG BUWAN  
(Dinarasal din tuwing Ikatlo, at Ikapitong Araw ng Pagsisiyam)  

V. Hesus Nazareno, sa mga paring di na makapagmisa,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga madaling matukso,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga inosenteng nakakulong,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga nilalait ng Mass-Media,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga nagpapadala sa kapahamakan,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga di makaiwas sa mga bisyo,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga ayaw magpasan ng krus,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga maraming alagang anak,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga nataningan na ang buhay,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga maysakit na mangungumpisal,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga di umiibig kay Inang Maria,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga wala nang anak,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga kaluluwa sa Purgatoryo,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga di makasunod sa iyo,
R. maawa ka, Panginoon.

IKAAPAT AT IKALIMANG BIYERNES NG BUWAN  
(Dinarasal din tuwing Ikaapat, at Ikawalong Araw ng Pagsisiyam)  

V. Hesus Nazareno, sa mga Katolikong di makapagsimba,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga nagpapadasal at nagpapamisa,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga hukom ng mga maralita,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga pulis at guardiang maaasahan,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga nag-iisip pumatay ng bata,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga lumalapastangan ng kagubatan,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga mag-anak na sidewalk-vendor,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga anak ng mga OFW at marinero,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga gutom, uhaw at hubad,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga taong mapaghiganti,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga balo at mga ulila,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga masakim at makasarili,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga naglilibing ng minamahal,
R. maawa ka, Panginoon.
V. Hesus Nazareno, sa mga bagong binyagang Katoliko,
R. maawa ka, Panginoon.

*PANGWAKAS NA PANALANGIN*

Ama naming makapangyarihan,
niloob mong akuin ng iyong Anak ang krus at kamatayan
upang ang sangkatauha’y matubos at mabuhay.
Ang pag-ako namin sa krus at kamatayan dito sa lupa
ayon sa diwa ng pagsunod sa iyong loob na ginanap ng iyong Anak ay magpagindapat nawang aming kamtin
ang lubos na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

*PANGWAKAS NA AWIT*

Nuestro Padre Jesus Nazareno,
sinasamba ka namin,
pinipintuho ka namin.
Aral mo ang aming buhay at kaligtasan.
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
iligtas mo kami sa kasalanan.
Ang krus mong kinamatayan ay
sagisag ng aming kaligtasan.
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
dinarangal ka namin.
Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Nilul’walhati ka namin.